Ang sanggol sa iyong sinapupunan ay lumulutang at prinoprotektahan ng amniotic fluid. Ayon sa medisina, walang ebidensiya na nakakasama ang pagtatalik sa kalusugan ng sanggol. Sa buong yugto ng iyong pagbubuntis, safe na ikaw ay makipagtalik maliban na lamang kung ikaw ay binalaan ng iyong doktor o komadrona na sensitibo ang iyong pagbubuntis.

Karaniwan lamang ang makipagtalik habang buntis. Sa katunayan, maaring tumaas ang libido ng babae dahilan upang lalong mas mapadalas ito. Ang pakikipagtalik din ay may magandang benepisyo sa kalusugan.

Habang lumalaki ang tiyan ng babae, ma-didisukubre niya ang iba’t ibang posisyon na mas komportable para sa kaniya. Ang paguusap ng bukas ng mag-partner tungkol sa sex ay isang magandang paraan upang lalong maging masaya at matatag ang kanilang samahan.

Sa article na ito, sasagutin natin ang katanungang, bawal ba sa buntis ang makipagtalik? Aalamin din natin kung paano magiging ligtas ang pagtatalik habang buntis.

Sex Habang Buntis, Ligtas ba ito?

Maraming mag-asawa ang nagtatanong kung bawal ba sa buntis ang makipagtalik lalo na sa una at pangatlong trimester. Madalas sila ay nangangamba na posibleng makasama ito sa sanggo. Subali’t kung ikaw naman ay mayroong healthy na pagbubuntis, siguradong magiging ligtas naman ito hanggang sa oras na pumutok ang iyong tubigan. Ito’y totoo rin kahit na kambal pa ang iyong anak.

Kung ikaw ay nasa magandang kondisyon, ang pagkakaroon ng masarap na sex ay mabuti para sa iyo at sa inyong pagsasama. Huwag ka nga lang magulat kung pabago-bago ang sex drive na nararamdaman mo habang ikaw ay buntis. Maaring may mga araw na tumataas ang libido mo ngunit, may mga araw din na mas pipiliin mo na lamang matulog.

Ang susi para magkaroon ng magandang sex habang buntis ay ang pagkakaroon ng bukas at maayos na komunikasyon sa iyong asawa. Ipaliwanag mo sa kanya kung mababa ang iyong sex drive at tulungan silang maunawaan ang iyong pinagdaraanan.

Para naman sa usapin ng orgasm, ang contractions niyo ay magkaiba sa labor contractions. Kaya wala ka dapat ikabahala.

Kelan hindi ligtas makipagtalik habang buntis?

Kung pinayuhan ka ng iyong ob-gyn na bawal ba sa buntis ang makipagtalik, maaring sensitibo ang iyong panganganak gaya ng mga sumusunod:

  • Mayroon kang kasaysayan ng miscarriage o pagkalaglag ng bata
  • Mataas ang posibilidad na mapaaga ang iyong panganganak (preterm labor)
  • Nakakaranas ka ng pagdurugo, pananakit ng puson, at iba pang discharge nang hindi alam ang dahilan
  • Pumutok na ang iyong bahay-bata o kaya ito’y may ruptured na membranes
  • Maagang nagbukas ang leeg ng iyong matris
  • Masyadong mababa ang iyong bahay-bata (placenta previa)
  • Ikaw ay buntis ng kambal, triplets, at iba pang “multiples”

Tandaan, kapag sinabi ng iyong doktor na mahigpit na ipinagbabawal ang mag-sex habang ikaw ay buntis, kabilang na rin dito ang ibang sexual arousal at orgasm.

Ano ang pinakamagandang sex positions habang buntis?

Ang mga posisyon na ginagawa niyo ni mister bago ka mabuntis ay maaring hindi na komportable at ligtas lalo na kapag ikaw ay nasa mga dulong bahagi na ng pagbubuntis.

Halimbawa, ang nakadapang posisyon (tinatawag din na missionary position) pagkatapos ng ika-apat na buwan ng pagbubuntis ay nagbibigay ng matinding bigat sa iyong mga blood vessels.

Sa halip, subukan ang mga ito:

  • Nasa taas ang babae: Ang posisyong ito ay magbibigay sa iyo ng kontrol kung gaano kabilis, kabagal, o komportable ang nais mo habang nakikipagtalik
  • Spooning: Humiga ka ng patagilid at ang iyong asawa ay pupuwesto sa likuran mo. Ang pagtatalik sa ganitong posisyon ay nakakatulong upang mabawasan ang matinding pressure sa iyong tiyan
  • Nakaluhod: Ang posisyong ito ay pinakamainam sa una at ikalawang trimester dahil pinapababa nito ang pressure na nasa iyong tiyan. Habang palaki ng palaki ang iyong tiyan, mahihirapan ka ng gawin ang posisyong ito.

Dapat ba gumamit ng condom kapag nakikipagtalik ng buntis?

Ang pagkakaroon ng sexually transmitted infection (STI) habang buntis ay may masamang epekto para sa iyo at sa iyong baby. Iwasan ang lahat ng uri ng sex – vaginal, oral, at anal kung ang iyong kasintahan ay na-diagnose na mayrong STI.

Gumamit ka ng condom kung:

  • Hindi monogamous ang relasiyon
  • Nakikipagtalik ka sa ibang tao habang buntis

Ano ang benepisyo ng sex habang buntis?

Ang pakikipagtalik habang buntis ay mayroong benepisyo para sa babae at sa kaniyang asawa.

Ang ilan sa mga ito ay:

  • Mas magandang orgasms. Ang mas mataas na daloy ng dugo papunta sa mga pribadong bahagi ng katawan ay nagbibigay ng mas malakas na orgasm sa mga buntis.
  • Ehersisyo. Ang pakikipagtalik ay nakakatulong upang mabawasan ang calories ng katawan. Mabuti ito para sa iyo maging sa iyong asawa.
  • Mas malakas na immune system. Ayon sa isang pag-aaral noong 2004, pinapataas ng sex ang lgA ng katawan na nakakatulong para malabanan ang mga sakit.