Kung ikaw ay buntis, mahalagang isaisip mo na ang bawat kinakain o iniinom mo ay posibleng makaapeko sa kalusugan ng iyong anak. Hindi lamang sa mga panahon na siya ay nasa loob ng iyong sinapupunan ngunit, maaring maramdaman ang epekto nito hanggang sa kaniyang pagtanda.

Kaya, mas maging maingat sa mga kinakain araw-araw at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga pagkain na mga bawal sa buntis.

Ang mga whole at lightly processed foods gaya ng whole grains, lean meats, prutas at gulay, at low-fat na gatas ay dapat bahagi ng iyong pangaraw-araw na pregnancy diet.

Ano ang mga inumin na bawal sa buntis, bawal ba ang softdrinks at kape?

Oo, kung buntis ka, kailangan mong iwasan ang pag inom ng softdrinks at kape dahil ang sobrang pag inom ng mga ito ay magpapataas ng iyong blood sugar. Ang mga inuming ito ay maituturing na neurostimulant kaya maaaring may epekto ito sa utak ng iyong sanggol.

Narito pa ang mga inumin at kemikal na bawal sa buntis:

  • Caffeine (softdrinks, kape) – Ang mga inuming may caffeine ay mga bawal sa buntis dahil ito ay nagpapataas sa posibilidad ng early labor, mababang timbang ng bata, at miscarriage. Pinapayuhan ang mga buntis na limitahan ang pag-inom ng caffeine hanggang 200 milligrams lamang kada araw o katumbas ng dalawang maliit na tasa.
  • Alak (beer, wine o gin) – Ninanakawan ng alak nang oxygen at iba pang mga sustansiya ang fetus dahilan upang hindi maging maayos ang paglaki nito. Ang alak ay may masamang epekto sa pag-iisip ng bata maging sa kaniyang pisikal na itsura. Mahalagang umiwas sa pag-inom ng anumang uri ng alak dahil permanente ang posibleng maging epekto nito sa bata. Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), walang anumang lebel ng alak ang ligtas para sa mga buntis.
  • Unpasteurized na mga juices gaya ng ciders na nabili sa mga malilit na tindahan – Ang mga produktong ito ay poisibleng may mataas na lebel ng germs tulad ng E.Coli. Suriin ng maiigi ang tatak ng juice para masiguradong pasteurized ito at ligtas inumin.
  • Lead – Ang lead ay nagdudulot ng mas maagang pagbubuntis at developmental delays sa mga bata. Kung ikaw ay nakatira sa lumang bahay, at ang mga daluyan ng tubig nito ay gawa sa lead, mayroong posibilidad na ito’y mag-leak sa inyong ginagamit na tubig. Ang pagamit ng filtration unit ay hindi rin makakatulong para maiwasan ang masamang epektong maaring maidulot nito.

Ano ang mga pagkain na nagdudulot ng miscarriage?

Habang nasa unang yugto ng pagbubuntis, mahalagang umiwas sa ilang pagkain dahil maari itong magdulot ng miscarriage o pagkalaglag ng bata.

Ang mga sumusunod na pagkain ay mga bawal sa buntis:

  • Pinya – Ang pinya ay mayroong bromelain na nagpapalambot sa leeg ng bahay-bata dahilan upang magsimula itong mag-contract. Ito ay maaring magresulta sa pagkalaglag ng bata kaya mainam na umiwas sa pagkain ng pineapple o kaya’y uminom ng pineapple juice.
  • Alimango – Bagama’t mayaman sa calcium ang alimasag, ito rin naman ay naglalaman ng mataas na lebel ng cholesterol. Maari itong mauwi sa pagliit ng bahay-bata dahilan upang magkaroon ng internal bleeding. Kaya, kahit na nakakatakam kumain ng alimango ay pigilan ang sarili dahil sa peligrong maaring hatid nito.
  • Atay – Ang atay ay mayaman sa vitamin A kaya, walang masama na kumain nito ilang beses sa isang buwan. Subalit, ang sobrang pagkain ng atay ay nagpapataas sa bilang ng retinol sa katawan na maaring makaapekto sa kalusugan ng bata.
  • Papaya – Ang hilaw o berdeng papaya ay may mga sangkap na gumaganap bilang laxatives o pampa-dumi na maaring magresulta sa premature labor at sa kalaunan ay miscarriage. Ang mga buto naman nito ay mayaman sa mga enzyme na maaring magdulot ng contractions. Kaya, hindi ligtas ang pagkain ng anumang uri ng papaya habang buntis.
  • Aloe Vera – Ang kamangha-manghang Aloe Vera ay kilala dahil sa maraming benepisyong nadudulot nito sa kalusugan ngunit, may mga pag-aaral na nagsasabing ang pagkain ng Aloe Vera ay bawal para sa mga buntis. Ito ay dahil ang Aloe Vera ay mayroong anthraquinones, isa ring uri ng laxatives na maaring maghikayat sa matris upang mag-contract dahilan upang magkaroon ng pelvic bleeding at ang pinakamalala ay mauwi sa pagkalaglag ng bata. Subalit, ang mga ipinapahid na produkto gaya ng Aloe Vera Gel ay ligtas naman para sa mga buntis.

Ano ang mga pagkaing dapat kainin sa unang buwan ng pagbubuntis?

Ang mga sumusunod naman ay ang mga pagkaing dapat kainin ng mga nanay na nagdadalang tao para sa mas malusog at ligtas na pagbubuntis.

  • Pasteurized na gatas – Ito ay magandang pinagmumulan ng calcium, vitamin D, protina, healthy na fats, at folic acide. Kabilang rito ang yoghurt, gatas, at mga keso.
  • Folate-rich foods – Ang Folate o folic acid ay mahalaga para sa tamang paglaki ng neural tube na kalaunay nagiging utak at spinal cord. Mahalaga isama mo ang mga folate-rich foods sa iyong diet kahit na uminom ka na ng mga supplments. Ang mga halimbawa ng nito ay: abokado, okra, sitaw, at mga citrus na prutas.
  • Whole Grains – Ang mga pagkaing gaya ng brown rice, oatmeal, wheat bread ay mayaman sa carbohydrates at fiber na nakakatulong sa paglaki ng bata.