Karamihan sa mga babae ay masasabing sila ay buntis kapag sila ay aktibong nakikipagtalik at naging delayed ang dalaw. Ang pagkaduwal, pamamaga ng dibdib, at mabilis na pagkapagod ay iba pang karaniwang sintomas sa unang yugto ng pagbubuntis.

Subali’t tanging ultrasound at pregnancy tests lamang ang paraan upang matiyak ang sagot kung buntis ba ako?

Maari kang magsagawa ng pregnancy tests mula sa unang araw na hindi ka datnan ng dalaw ngunit, sa mga panahong ito, masyado pang mababa ang lebel ng hormones sa iyong katawan kaya posibleng maging negatibo ang lumabas na resulta kahit ikaw nga ay buntis.

Kung ultrasound naman ang gagawin, maari mong malaman ang eksaktong panahon kung gaano katagal ka ng buntis. Maari rin i-estimate ng doktor ang posibleng petsa ng iyong panganganak kahit hindi gumamit ng ultrasound. Ang mga ganitong detalye ay hindi kayang maibigay ng mga pregnancy test kit.

Kailan pwede gumamit ng pregnancy test?

Ang mga pregnancy test kit ay hindi sumasablay kung gagamitin ito ng tama. Ang mga mabibiling pregnancy tests sa mga botika ay gumagana ng higit sa 99 porsyento. Sa katunayan, ang makukuha mong resulta sa urine pregnancy test na gagawin sa klinika ng doktor ay eksakto lang din sa makukuha mo sa mga home pregnancy tests.

Ang mga pregnancy tests ay gumagana sa pamamagitan ng paghahanap ng hormone na tinatawag na human chorionic gonadotrophin (hCG) sa iyong ihi. Ang iyong katawan ay gumagawa lamang ng ganitong klase ng hormone kung tiyak na buntis ba ako. Lumalabas ang hCG kapag ang fertilized na itlog ay dumikit sa paligid ng iyong matris, at ito ang simula ng pagbubuntis. Kung positibo ang makukuha mong resulta, ikaw ay buntis. Kung negatibo naman, ito ay nangangahulugang hindi ka buntis.

Ang mga pregnancy tests ay pinaka-accurate kung gagamitin mo ito pagkatapos ng ilang linggo mula sa araw ng inaasahan mong dalaw. Posible naman maging mali ang resulta nito kung expired o hindi kaya’y mali ang paraan mo ng paggamit. Kaya, laging tingnan ng maigi ang expiration date na nakalagay sa pakete nito at basahing maigi ang impormasyong kasama nito.

Ano ang sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo?

Dahil hindi pa nagaganap ang conception, wala ka pang mararanasang mga sintomas na magagamit mo upang malaman kung buntis ba ako.

Para sa maraming kababaihan, nagsisimula ang totoong mga sintomas ng pagbubuntis pagkalipas ng isang buwan mula sa araw na hindi sila datnan ng dalaw. Subali’t maari kang makaranas ng mga sintomas na kapareho ng mga nararamdaman mo kapag ikaw ay may dalaw. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:

  • Pananakit ng puson
  • Pamamaga ng dibdib
  • Pananakit ng ligo
  • Pananakit ng ulo
  • Pabago-bagong ugali at emosyon
  • Pagdami ng tigyawat
  • Matinding pagkapagod
  • Diarrhea o constipation

Ano ang itsura ng sanggol sa unang linggo ng pagbubuntis?

Maniwala ka man o hindi, wala pang nabubuong sanggol sa unang linggo ng pagbubuntis. Sa mga unang araw ng pagbubuntis, ang itlog ay nagpapahinog pa sa loob ng obaryo.

Pagsapit ng nakatakdang petsa ng iyong dalaw, higit sa 20 itlog o ova ay nasa loob pa rin ng kanilang ovarian follicles at nagsisimula pa lamang na maghanda para sa susunod na buwan. Tanging isa o paminsan-minsan ay dalawang itlog lamang ang lumalabas papuntang fallopian tube kada menstrual cycle.

Gaano kalaki ang sanggol sa unang linggo ng pagbubuntis?

Sa unang linggo ng pagbubuntis, wala pang maaring sukatin na sanggol sapagkat inihahanda pa lamang ng iyong katawan ang kaniyang sarili para sa paparating na pagbubuntis.

Ang itlog ng babae ang pinakamalaking single cell sa katawan ng tao. Ito ay nagsisimula mahinog sa unang linggo ng pagbubuntis.

Ang prosesong ito ay tinatawag na ovarian cycle at nagaganap sa mga unang araw ng pagbubuntis. Pagkatapos nito ay papasok na iyong katawan sa follicular phase kung saan ang simula ng yugtong ito ay kaalinsabay ng araw ng iyong dalaw. Sa umpisa, ang hormone na tinatawag na FSH o follicle stimulating hormones ay nag-uutos sa maraming immature follicles na ihanda ang kanilang sarili para sa papalapit na ovulation.

Pagdating ng ika-lima hanggang ika-pitong araw ng iyong cycle, mayroon ng isang itlog na ganap na nabuo. Ang nag-iisang itlog na ito ay mayroon mas malakas na supply ng dugo at nakakagawa ng mas maraming estrogen. Ang hormone na estrogen ang siyang dahilan kung bakit kumakapal ang lining ng iyong matris.

Habang nasa follicular phase, ang nag-iisang itlog na ito ay patuloy pang mabubuo at maghihintay na sa sperm ng lalaki upang makabuo ng embrayo.

Ano ang itsura ng tiyan ng isang linggong buntis?

Wala ka pang makikitang anumang senyales ng baby bump sa unang linggo ng pagbubuntis hanggang sa mga susunod pang linggo.

Dahil ikaw ay maari pang magkaroon ng dalaw sa linggong ito, posibleng ang mga hormonal changes na mararamdaman mo ay magdulot ng bloated na tiyan dahil sa fluid retention ngunit, malayo ito sa totoong itsura ng tiyan ng buntis.