Kung ikaw ay naghahanap ng paraan para mabuntis o hindi kaya’t para maiwasan ito, isa sa pinakakaraniwang tanong na nais mong malaman ay kung pagkatapos ng period ng babae posible ba silang mabuntis? Marami ang napapaisip sa tanong na iyan at hindi ka nag-iisa.

Ang posibilidad na mabuntis ay depende sa bawat indibidwal. Ngunit, oo, may ilang pagkakataon na mas mataas ang tyansa na mabuntis ang babae kumpara sa iba.

Kung gusto mo malaman ang sagot sa katanungang iyan, basahin ito.

Mabubuntis ba ang babae bago ang kaniyang period?

Ang posibilidad na ikaw ay mabuntis isang araw bago ang iyong dalaw ay lubhang mababa. Para sa mga babae na may regular na cycle ng 28 hanggang 30 na araw, nagsisimula ang ovulation sa pagitan ng ika-11 hangang ika-21 araw. Ang itlog na ito ay kaya lamang mabuhay ng mula 12 hanggang 24 oras pagkalabas ng obaryo kaya ligtas ng sabihin na mababa na ang posibilidad na mabuntis pa ang babae isang araw bago ang kaniyang nakatakdang regla.

Sa katunayan, ang araw bago ang iyong monthly period ang siyang pinakaligtas na panahon upang makipagtalik nang walang panganib na mabuntis. Ang bilang ng “safe days” bago ang iyong dalaw ay mas hahaba kung matagal ang iyong monthly cycle at mas iikli rin kung mabilis lamang ang iyong buwanag dalaw.

Kung sigurado ka na ang katawan mo ay nago-ovulate, maghintay ka muna ng 36 hanggang 40 oras bago makipagtalik dahil siguradong mataas ang posibilidad na ikaw ay mabuntis. Habang lalong lumalayo ka sa araw ng iyong ovulation, bumababa rin posibilidad na ikaw ang mabuntis. Kaya, hindi ito ang tamang oras na makipagtalik kung nais mong magkaroon ng anak.

Maari ba na reglahin ang isang babae habang buntis?

Hindi, imposibleng magkaroon ng regla habang buntis. Sa panahong maglabas ang iyong katawan ng pregnancy hormone na tinatawag na hCG (human chorionic gonadotropin), kusang titigil ang iyong regla.

Subalit normal na makaranas na spotting o kaunting pagdurugo habang buntis. Ito ay dahil sa implantation bleeding.

Kung ikaw ay buntis ngunit, nakakaranas ng matinding pagdurugo, ay agad itong ipag-alam sa iyong doktor.

Pagkatapos ng Period ng Babae Posible ba silang Mabuntis?

Oo, posible kang mabuntis pagkatapos ng iyong monthly period. Pagkatapos ng iyong buwanang dalaw, magsisimula ulit ang cycle nito at ikaw ay unti-unting magiging mas fertile.

Ang tipikal na cycle ay nagsisimula kada-28 na araw. Ang mga araw kung kelan pinaka fertile ang babae ay sa pagitan ng ika-11 hanggang ika-21 na araw. Ang sperm ng lalaki ay kayang mabuhay sa matris ng babae hanggang dalawa, tatlo o kaya’y limang araw. Kung ang iyong regla ay tumatagal ng lima hanggang pitong araw at ikaw ay nakipagtalik agad pagkatapos nito, posible kang mabuntis dahil nagsisimula ka ng maging fertile.

Kung ang pagdurugo ay tumigil sa ika-anim na araw at ikaw ay nakipagtalik kinabukasan, ikaw ay mago-ovulate pagsapit ng ikalabing-isang araw. Ang sperm mula sa ika-pitong araw ay nananatili pa ring buhay sa loob ng iyong fallopian tube at maaring i-fertilize nito ang bago mong itlog.

Kung nais mong mabuntis, ang panahon pagkatapos ng period ng babae posible ba silang mabuntis ang siyang pinakamainam na panahon upang makipagtalik. Ang pakikipagtalik tuwing makalawa sa loob ng labing-apat na araw ay nagpapataas sa posibilidad na ikaw ay mabuntis.

Ano-ano ang mga uri ng birth control para maiwasang mabuntis sa mismong araw ng regla?

Mayroon pa ring posibilidad na ikaw ay mabuntis sa mismong araw ng iyong dalaw. Upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis, mahalagang pag-usapan ang iba’t ibang uri ng contraceptives.

Ang mga birth control methods para maiwasan ang mabuntis sa araw ng iyong dalaw ay ang mga sumusunod:

  • Magsuot ng condom
  • Uminom ng oral contraceptive pill
  • Uminom ng progestogen-only pill (mini pill)
  • Gumamit ng contraceptive patch
  • Magpalagay ng implant o intrauterine device (IUD)

Ano ang mga paunang senyales ng pagbubuntis?

  1. Pamamaga ng dibdib – Dalawang linggo pagkatapos ng conception, mararamdaman mo na mas bibigat at tila namamaga ang iyong dibdib. Dahil ito sa mga hormonal changes na nangyayari sa iyong katawan.
  2. Mabilis na pagkapagod – Sa unang yugto ng pagbubuntis, tumataas ang hormone na progesterone na siyang dahilan kung bakit mabilis mapagod at antukin ang mga buntis.
  3. Spotting – Ang kaunting pagdurugo ay isang senyales ng pagbubuntis. Tinatawag din itong implantation bleeding, kung saan dumidikit ang fertilized na itlog sa pader ng matris.
  4. Morning Sickness – Karaniwan na sa mga buntis ang makaramdam ng pagkaduwal na mayroong/walang kasamang pagsusuka. Bagama’t kilala ito sa bansag na “morning sickness”, maari pa rin itong mangyari anomang oras.
  5. Mood swings – Ang biglaang pagtaas ng hormones lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis ang siyang nagiging dahilan kung bakit pabago-bago ang emosyong nararamdaman ng mga buntis.