Marahil, hindi mo pa alam sa ngayon na ikaw ay buntis ngunit, marami na ang nagaganap sa loob ng iyong katawan pati na ang lumalaking sanggol sa iyong sinapupunan.

Maaring siya ay babae o hindi kaya ay isang lalaki. Dahil oo, ngayon pa lang ay tukoy na ang kasarian ng iyong magiging baby. Dagdag pa, alam mo ba na ang unang linggo ng pagbubuntis ang pinaka-aktibong panahon kung saan unti-unti ng nabubuo ang utak, puso, at gulugod ng iyong sanggol? Gayunpaman, malabo mo pa ring maramdaman ang mga sintomas ng buntis sa unang linggo.

Kung nais mo talagang mabuntis, ay ngayon pa lamang ay simulan nang uminom ng mga folic acid supplements dahil ito ay mahalaga upang maibigay ang sustansiyang kailangan ng iyong anak.

At maniniwala ka ba na bagama’t unang linggo pa lamang ng iyong pagbubuntis ay itinuturing na ito bilang 1 buwang buntis? Ang nakakalitong konspetong ito ay dahil sa kakaibang paraan ng pagkalkula ng pagbubuntis.

Ano-ano ang mga Sintomas ng Buntis sa Unang Linggo?

Sa unang yugto ng pagbubuntis, posible ka pa rin makaranas ng mga tipikal na sintomas na iyong nararamdaman tuwing ikaw ay may buwanang dalaw.

Ito ay maaring tumagal mula tatlo hanggang pitong aral at kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Pagdurugo. Inilalabas ng iyong matris ang dagdag na lining na may kasamang unfertilized na itlog mula sa nakaraang buwan.
  • Pananakit ng likod at puson. Para mailabas ang uterine lining, kailangan mag-contract na iyong matris dahilan upang sumakit ang iyong likod at puson.
  • Bloating. Ang pabago-bagong hormones sa iyong katawan ay nagbibigay sa iyo ng bloated o malaking tiyan.
  • Mood swings. Ito’y dulot pa rin ng pabago-bagong hormones. Kaya mapapansin na mas mabilis mainis at magalit ang mga buntis.
  • Pananakit ng ulo. Maraming buntis ang nagsasabing sila ay nakakaranas ng menstrual migraines na dulot ng hormonal changes. Gumamit ng ice packs, over-the-counter pain relievers, at iba’t ibang relaxation exercises para mabawasan ang sakit.

Ano ang itsura ng tiyan ng isang linggong buntis?

Maraming nagaganap sa loob ng iyong isang linggong tiyan. Inilalabas ng iyong matris ang nakaraang itlog na hindi na-fertilize at sisimulan na nitong gumawa ng panibagong lining upang hawakan ang susunod na itlog.

Fact: Ang human eggs ang pinakamalaking cells sa katawan. Ang itlog ng babae ay kasinglaki ng isang peach fuzz. Ang iyong obaryo ay naglalabas ng isa (ngunit, sa pambihirang pagkakataon ay maaring dalawa) itlog sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-19 na araw ng iyong menstrual cycle o labing-apat na araw bago ang inaasahang araw ng iyong dalaw. Maari itong i-fertilized sa loob lamang ng 12 hanggang 24 oras kaya kung nais mong mabuntis agad, magandang makipagtalik sa mga panahong ito.

Ang sintomas ng buntis sa unang linggo ay hindi agad madaling makita. Sa katunayan, maraming babae ang hindi napapansin na hindi na pala sila dinatnan ng dalaw sa buwan na ito at madalas ay inaabot pa ng apat na linggo bago nila maramadaman na may kakaiba sa kanilang katawan.

Ang ilan sa mga sintomas ng buntis sa unang linggo ay gaya ng mga sumusunod:

  • Pamamaga o paglaki ng dibdib
  • Pagkaduwal o Morning sickness
  • Mabilis na pagkapagod
  • Madalas na pag-ihi

Ngayon na isang linggo kang buntis, marahil iniisip mo kung paano kakayanin ng iyong katawan ang lumalaking sanggol sa iyong sinapupunan kaya, magandang simulan agad ang pag-iwas sa mga masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Bawasan din ang iniinom ng kape dahil ito ay may caffeine na nagpapataas sa posibilidad ng miscarriage o pagkalaglag ng bata.

Ano ang itsura ng tiyan ng 1 linggong buntis sa ultrasound?

Marahil sa panahon na ito ay hindi ka pa nagpapa-ultrasound. Ngunit, kung ikaw ay nagpla-planong mabuntis, maari kang pumunta sa isang fertility specialist at magpa-ultrasound upang makita kung ilan ang tumutubong follicles sa iyong obaryo at para malaman ang kapal ng iyong uterine lining.

Kung ikaw ay nahihirapan mabuntis, maaring irekomenda ng iyong doktor na ikaw ay sumailalim sa isang fertility treatment.

Ano ang mga dapat gawin ng isang linggong buntis?

Marahil sa mga panahong ito ay wala ka pang kaide-ideya na may laman na pala ang iyong tiyan ngunit, kung ikaw ay desidido talagang magkaroon ng anak, walang duda na ngayon pa lamang ay nasasabik ka ng makita ang iyong magiging anak.

Mahalaga na alagaan mong mabuti ang iyong kalusugan dahil ito ay nakaka-apekto rin sa iyong magiging anak. Kaya mahalagang laging magpa-check up at sumangguni sa iyong ob-gyn para sa mga supplements na dapat mong inumin at alamin din ang mga pagkain at iba pang bagay na bawal sa buntis.