Karamihan sa mga babae ay nakaranas ng pagdurugo isang beses sa kanilang buhay na hindi dulot ng buwanang dalaw. At para naman sa iba, karaniwan lamang ang magkaroon ng spotting. Ngunit, paano malalaman ng mga babae kung ano ang pinagkaiba ng spotting sa menstruation?

Ang pagkakaroon ng spotting ay hindi laging dahilan ng isang medikal na kondisyon. Ngunit, mahalagang alalahanin kung kelan ito nagsimula, gaano na katagal, at iba pang mahahalagang detalye para matukoy kung ano ang sanhi nito.

Ang regla ay maari rin magsimula o hindi kaya’y magatapos sa spotting. May ilang babae rin ang mas nakakaranas ng matinding pagdurugo kumpara sa iba. Sa mga pagkakataon na ito, mas mahirap malaman kung ano ang pinagkaiba ng spotting sa menstruation.

Spotting vs. Menstruation

  • Ang spotting ay tumutukoy sa anumang pagdurugo mula sa vagina na hindi dulot ng regla.
  • Para sa ilang babae, ang light bleeding bago at pagkatapos ng regla ay isang halimbawa ng spotting.
  • May ilan na sinusubaybayan ang petsa ng kanilang buwanang dalaw upang malaman nila kung ano ang pinagkaiba ng spotting sa menstruation.

Ano ang mga sintomas ng regla (menstruation)?

Ang menstrual bleeding ay madalas na nagaganap kada-28 araw para sa mga hindi buntis na kababaihan. Kada-buwan ay kumakapal ang paligid ng matris upang makapaghanda sa posibilidad ng pagbubuntis. Kapag hindi nabuntis ang babae, ilalabas ng matris ang lining nito na siyang nagiging sanhi upang magkaroon ng regla.

Ang ilang sintomas ng regla ay ang mga sumusunod:

  • Buwanang dalaw: Bagama’t iba-iba ang eksaktong petsa kung kelan nagsisimula ang dalaw ang mga kababaihan, madalas ay nangyayari pa rin ito buwan-buwan.
  • Tumpak na bleeding pattern: Ang menstrual bleeding ng bawat babae ay may pattern. Kadalasan, ito ay nagsisimula sa light spotting at mas lalong tumitindi pagkatapos ng dalawang araw. Ito ay unti-unting humihina hanggang sa mawala na ang pagdurugo.
  • Araw na itinagal ng pagdurugo: May ilang babae ang nakakaranas ng hormonal imbalances na maaring maging sanhi upang mas mapabilis o hindi kaya’y mapahaba ang kanilang buwanang dalaw. Ngunit, kadalasan ang regla ay tumatagal mula lima hanggang pitong araw. Hindi ito kailanman tumatagal ng isang buong buwan,.
  • Ang regla ay madalas may kasamang iba pang sintomas: Isang linggo bago magsimula ang iyong buwanang dalaw, ang pagbabago sa lebel ng hormones sa iyong katatawan ay magdudulot ng ilang mga sintomas gaya ng pamamaga ng dibdib at pananakit ng ulo. Habang patuloy na nagco-contract ang uterus, may ilang babae ang nakakaramdam ng pananakit ng puson.
  • Ang regla ay madalas kulay pula: Mahalagang pansinin ng maigi ang kulay ng pagdurugo upang malaman kung ano ang pinagkaiba ng spotting sa menstruation. Bagama’t maaring kulay-kape ang dugo sa simula ng buwanang dalaw. May ilang babae ang nakakakita ng namuong dugo na kasama sa kanilang regla. Ang senyales na ito ay hindi karaniwan sa spotting.

Ano ang mga sintomas ng spotting?

Maraming dahilan kung bakit nagkakaranas ng spotting at ang pattern ng bawat babae ay maaring magkakaiba.

Ang ilang katangian ng spotting ay gaya ng:

  • Paiba-ibang iskedyul: May ilang babae ang dinurugo ng isang araw, hihinto, at magsisimula ulit. Ang ilan naman ay nakakaranas ng paulit-ulit na pagdurugo sa isang buwan.
  • Maaring dulot ng regular na dalaw: Ang hindi maipaliwanag na spotting ay nakakabahala ngunit, ang spotting ay maaring dahil din sa ovulation ng babae. May ilan din na nakakaranas ng regular na spotting isa hanggang dalawang beses kada buwan.
  • Maaring dahil sa ibang karamdaman: Kabilang dito ang pananakit ng tiyan.
  • Kakaibang kulay ng dugo: May ilang babae na nagkakaroon ng kulay-kape na spotting. Ang ilan naman ay mas light ang kulay. Mapapansin din na mas mabaho ang amoy ng spotting kumpara sa karaniwang dalaw.
  • Maaring dahil sa hormonal birth control: Ang pag-inom ng birth control pills ay maaring makaapekto sa dami at araw ng iyong regla.

Ano ang sanhi ng spotting?

Ang implatantaion bleeding, paggamit ng pills, pagkakaroon ng PCOS at iba pang mga karamdaman sa matris ay maaaring maging sanhi ng spotting.

  • Implantation bleeding: Maraming babae ang nakakaranas ng spotting sa mga unang linggo (first trimester) ng pagbubuntis. Ang Implantation bleeding ay karaniwang nagdudulot ng spotting. Ito ay nangyayari kapag ang fertilized na itlog ay dumidikit sa pader ng matris (tinatawag na implantation).
  • Birth control: Ang ilang pamamaraan ng birth control ay maaring magdulot ng spotting. Kabilang dito ang pag-inom ng birth control pills, lalo na kapag unang beses ito ginamit.
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS): Isa itong karaniwang kondisyon kung saan maraming maliliit na tumor ang namumuo sa obaryo. Dahil sa karamdamang ito, mas magiging mahirap ang mabuntis at ito rin ay nagdudulot ng iregular na pagdurugo.
  • Fibroids at Cervical Polyps: Ang pagtubo ng mga non-cancerous na tumor sa matris at cervix ng babae ay nagdudulot ng spotting.