Anumang pananakit o iritasyon na nararamdaman mo sa iyong puson habang ikaw ay buntis ay nagdudulot sa iyo ng pangamba para sa kaligtasan ng sanggol sa iyong sinapupunan. Ngunit, wala ka dapat ikabahala. Ang bahagyang pagsakit ng puson at balakang ng buntis ay karaniwan lamang.

Sa unang trimester, ang pananakit ng puson ay madalas dahil sa paglaki ng iyong sanggol. Maaring mo itong maramdaman sa isa o sa parehong bahagi ng iyong tiyan. Ito ay hindi senyales ng maagang panganganak (preterm labor) kung hindi, karaniwang sintomas lamang na kasama ng pagbubuntis.

Subali’t kailangan pa rin mag-ingat dahil may ilang mga pagkakataon na ang sumasakit ang puson at balakang ng buntis ay maaring senyales pala ng malubhang kondisyon.

Ano ang sanhi ng sumasakit ang puson at balakang ng buntis?

Ang nararamdaman na pananakit ng puson sa mga unang yugto ng pagbubuntis ay pangkaraniwang lamang at walang hatid na panganib sa nanay at maging sa sanggol.

Ngunit, kung palagi at matindi ang sakit na iyong nararamdaman at may kasama pang pagdurugo, kailangan mo agad magpatingin sa iyong ob-gyn. Narito ang ilang mga karaniwang sanhi ng pagsakit ng puson ng buntis:

1. Round ligament pain (Nangyayari pagsapit ng ikalawang trimester): Habang lumalaki ang iyong matris, ang round ligaments (dalang malaking litid na gumagalaw mula sa harap ng matris papunta sa sungit) ay nababatak, dahilan upang sumakit ang iyong puson. Ang sintomas na ito ay madalas nawawala pagkalipas ng ilang oras at hindi delikado sa pagbubuntis.

Kung masyadong matindi ang pananakit, tanungin sa iyong doktor kung maari kang uminom ng pain killer.

2. Kabag at constipation: Ito ang dalawa sa pinakakaraniwang reklamo habang buntis. Nangyayari ito dahil sa mataas na progesterone levels sa katawan. Habang tumataas ang progesterone, bumabagal ang panunaw ng tiyan dahilan upang mas tumagal ang pagbaba ng kinain. Magreresulta ito sa kabag at problema sa pagdumi.

Ang pag-inom ng mas maraming tubig, pagkain ng pagkaing mayaman sa fiber at regular na page-ehersisyo ay makakatulong upang maiwasan ang sintomas na ito. Maari rin irekomenda ng iyong doktor ang pag-inom ng fiber supplement o paggamit ng pampalambot sa dumi.

3. Braxton-Hicks contractions (Sa ikadalawa at ikatatlong trimester): Tinatawag rin itong “practice contractions”. Makakaranas ka ng biglaang paghigpit ng kalamnan na maihahalintulad sa totoong contractions. Subali’t hindi tulad ng totoong contractions, ang Braxton-Hicks contractions ay hindi tuloy-tuloy at nawawala kapag nagpalit ka ng posisyon.

Kulang sa tubig ang madalas na rason kung bakit nakakaramdam nito kaya, uminom ng maraming tubig upang maiwasan ito. Kapag masyadong matindi ang contractions na nararamdaman, agad magpatingin sa iyong doktor.

4. Paglaki ng matris: Habang lumalaki ang iyong matris, naaapektuhan din ang iyong pagdumi dahilan upang makaranas ka ng pananakit ng tiyan at pagkaduwal.

Upang mabawasan ang problemang ito, kumain ng mas madalas ngunit, mas maliliit na bahagi. Palagi rin mag-ehersisyo, at umihi.

5. Masakit na orgasm: Ang sumasakit ang puson at balakang ng buntis pagkatapos ng orgasm ay karaniwang sa unang yugto ng pagbubuntis. Wala dapat ikabahala hangga’t ang pananakit na nararamdaman ay maikli at bahagya lamang. Kung ang pananakit ay dahil sa normal na contractions o sa mas matinding daloy ng dugo papunta sa balakang, wala ka dapat ikabahala sa kaligtasan ng iyong anak.

6. Iba pang kondisyon: Bukod pa sa mga karaniwang dahilan ng pagsakit ng puson habang buntis, nandiyan rin ang iba pang kondisyong medikal gaya ng virus sa tiyan, fibroids, at kidney stones.

Lagi pa rin tandaan na hindi lahat ng sanhi ng pananakit ng puson ay maaring balewalain. May ilang sintomas na maaring mauwi sa mas seryosong komplikasyon.

Ano ang iba pang dahilan ng pananakit ng puson habang buntis?

Bagama’t karaniwan lamang ang pananakit ng puson kapag buntis, may ilang kondisyon pa rin na dapat bantayan dahil delikado ito sa pagbubuntis.

Ito ay tulad ng:

  • Ectopic pregnancy – Ito ay nangyayari kapag ang fertilized na itlog ay nagtanim sa labas ng matris. Ang ectopic pregnancies ay nagdudulot ng matinding pananakit sa puson at nangangailangan ng agarang atensiyon.
  • Pagkalaglag ng bata – Ang pagdurugo ng may kasamang pananakit ng puson ay maaring senyales ng miscarriage.
  • Preeclampsia – Ang mataas na high blood pressure at protina sa ihi ay sintomas ng preeclampsia. Ito rin ay nagdudulot ng patinding pananakit sa itaas na bahagi ng tiyan.

Paano maiiwasan ang pananakit ng puson habang buntis?

Kung ikaw ay nakakaranas ng bahagyang pananakit ng puson habang buntis, may ilang bagay na maari mong gawin upang maibsan ang sakit nito:

  • Subukan umupo, humiga, at magpapalit-palit ng posisyon
  • Magbabad sa mainit na tubig
  • Subukan mag-relaxation exercises
  • Gumamit ng hot compress at ilagay sa bahagi ng tiyan na sumasakit